ATTORNEY AT LAW (PART 21 BISAYANG WARAY)

..

Nasa airport ako. May IBP sponsored seminar na matagal ko nang natanguan. Tatlong araw at dalawang gabi iyon na gaganapin sa Cebu. Malaki na ang tyan ni Trisha kaya siya ang naiwan sa aming Law Office. Tama lang ang timeline ng seminar. Sa Sabado na ang dating ni Teddy mula sa New York. Thursday ako naka book pabalik ng Maynila mula sa Cebu. Makakasama pa ako ni Luvim sa pagsundo sa Clark International Airport sa pagdating ng aming anak.

 

Nasa passenger’s lounge na ako at naghihintay ng flight ko ng maisipan kong lumabas muna at bumili ng broadsheet at isang cup ng mainit na tsaa na may gatas. By way of habit, lagi ng paggusto kong magbasa ng diaryo ay gusto ko ring humigop ng mainit na kape o tsaa.

 

Hinihigop-higop ko na ang mainit na tsaa sa cup nang lumakad ako at naghanap ng bakanteng mauupuan sa harap ng kiosk na binilhan ko ng tsaa. Pahapyaw na tiningnan ko ang aking relo sa kaliwang bisig. May isang oras pa at kalahati bago ang departure ng flight ko.

 

Inilatag ko sa harap ko ang Daily Inquirer at binasa ko ang mga headlines. Nakaka-ilang news item na ako at halos ubos ko na ang tsaa ng mapansin ko ang pagdaraan ng isang babae sa harapan ko. Agad na nawala ang pansin ko sa aking binabasa. Nakalagpas na ito, pero sa pagtalikod nya ay lalong pumasok sa pansin ko ang hubog ng kaanyuan nya. Naka heels ang babae, naka denims pants na stretchable at naka blusa ng sleeveless na nasa likuran ...

REPORT ABUSE

What's Your Reaction?

Due to the nature of this site, you must be logged in to react.

like

dislike

love

funny

angry

sad

wow